LUHA
Thursday December 20th 2007, 2:41 am
Filed under: Uncategorized

1_154600209l Minahal ko siya noon. Mahal ko pa rin siya ngayon pero huli na ang lahat nakahanap na siya ng iba. Nagsisisi ako kung bakit nakipaghiwalay ako sa kanya. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko naipakita sa kanya ang aking pagmamahal noong kami pa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maalis sa aking isipan. Gusto ko siyang kalimutan at ibaon sa limot, ngunit hindi ko kaya. Pwede mo ba akong tulungan?

Sabi ng isa kong kaibigan, huwag ko daw masyado ibaleng ang aking atensyon sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Nahihihrapan ako,  kapag hindi ko siya nakikita, hinahanap siya ng aking mga mata. At ayun, nakita ko siya kasama ng bago niya. Nasasaktan ako at pilit tinatago ang aking nararamdaman na parang may sumasaksak sa aking puso.

Kaya ngayon, sanay na sanay na akong itago ang aking nararamdaman. Kailangan ko yun dahil ayaw kung naaawa ang aking mga kaibigan sa akin. Ayokong ipakita sa kanila ang aking tunay na nararamdaman . Akala nila parati akong masaya, dahil nasanay na sila sa masayahing ako. Kaya ang mga ito dinadaan ko nalang sa tawa ngunit kapag ako’y nasa loob na ng aking kwarto,LUHA ang pumapatak mula sa aking mga mata.





     
2 Comments so far

ganda ganda… =]

Comment by    iR ni ANNE 12.21.07 @ 8:06 pm

hindii.pangit pangit.jaja

Comment by    MiKyOng 12.21.07 @ 8:57 pm



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)